RSS

Blog on Mobile

woot!

just downloaded an app that will allow me to post my musings while I am on the move ;) cool eh?

Anywho, I am prepping to go to work so if anything comes up and I will not forget about this cool app, I will post it here and let you know ü

Toodles! BlogBooster-The most productive way for mobile blogging. BlogBooster is a multi-service blog editor for iPhone, Android, WebOs and your desktop

A Year Wiser

Another year to be thankful for. :)


They don't care if I only had a 3-hour sleep... They don't care if I was in my zombie mode... My housemates woke me up @12mn with a cake, a "Happy Birthday" song and a bouquet.  And I'm glad they didn't give a damn :)

I may not have the riches in world, but having a great family, bundled with fantabulous set of friends and an incredible boyfie makes this life awesome! \m/

Be thankful for what you have; you'll end up having more. If you concentrate on what you don't have, you will never, ever have enough. -- Oprah Winfrey

...and so it begins!

It is getting tighter and tighter.  I tried to push a bit further so I can slide into it smoothly, but my efforts were futile.  I took the dress off upon seeing those bulges.  I scoured my dresser for anything that will still fit me nicely.  And then I decided to put on a rugged pair of jeans and an over-sized tee.  Again.

That's it.  I hate seeing myself unable to fit into clothes that I barely wear.

That's it.  This is the beginning of my personal challenge (and my friends' challenge to me as well ;)) ).  I have 5 months to trim down and fit into those clothes again (without compromising my eating habits that much).  I have 5 months to be able to fit into those sleeveless and tube tops without looking like Michelin :D

Goodbye calories!

Think positive! Wag kang aayaw! woot!

Liham

Mahal kong Bakasyon,
Kamusta ka na? Kamusta ang pamamalagi mo kapiling ng ilang kaibigan at kapamilya? For sure, tuwang tuwa sila nung makapiling ka nila. At ngayong malapit ka na ulit lumisan, ang mga alaala na iyong iniwan sa kanila ay isa nanamang testamento na hindi nasayang ang pera at oras na inilaan nila para sa iyo. Ibang klase ka kasi bumisita, umulan man o bumagyo, hindi ito magiging hadlang para dumating ka! Ika nga, kung gusto, parating may paraan. Kung ayaw, dumadahilan (minsan, nagmama OA lang).

Kaya naman ako lumiham sa iyo ay dahil hindi ko na maitago ang excitement ko para makapiling ka ulit. Aba! Ilang buwan na din ang nakakalipas nung huli kitang nakapiling. At hindi ako makapaniwala na ilang linggo nalang, darating ka na ulit. :) Marami nanaman tayong pagsasamahan na hindi kailanman kayang higitan kapag si Trabaho ang kasama ko. KJ si Trabaho eh. Control freak paminsan. Gusto niya, lahat ng oras, ilalaan sa kanya. Buti nalang ay napakiusapan ko siya na panahon na para maglaan ako ng oras para sa iyo. Hindi ko lang talaga maaring iwanan si Trabaho, kasi isa din siyang mahalagang parte ng buhay ko. Dapat balanse lang. Pero buti pa ikaw, naiintinidihan mo yun. Hindi ka kasing demanding ni Trabaho.


Anyway, ilang araw nalang naman, magkakasama na naman tayo ulit kasama ang ating mga kaibigan :) Sana mas madalas kang mapadaan no? Mas masaya siguro kung parati kang andiyan. Kasi pag andiyan ka, nakakasalamuha ko ang mga kaibigan natin, ang mga kapamilya natin. Chillax parati.


Hanggang dito nalang muna ang aking munting liham. Gusto ko lang malaman mo na lagi kitang iniisip. Walang araw na hindi ko inasam ang iyong pagbabalik. Nawa'y sa muli nating pagkikita, nakangiti din ang araw at kumikislap ang mga bituin.


Nagmamahal,
pilyamaldita

Closure

Madalas natin marinig ito sa halos lahat ng aspeto sa buhay ng isang tao.  Karamihan sa atin, kailangan ng closure sa isang bagay para tuluyan na maka move on.  Mayroon namang mangilan ngilan na hindi nila kailangan talaga ng closure para magmove on.  Pero mangilan ngilan lang ang kilala kong ganito.  Karamihan sa atin, gusto natin ng sagot.  Karamihan sa atin, kapag may isang bagay na nangyari, laging may kasunod na "Bakit?".  At for sure, madadagdagan pa yun ng sandamakmak na follow up questions.  Human nature.


Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, makakakuha ka ng sagot sa mga tanong mo.  Hindi lahat ng tao ay pinapalad na mabigyan ng closure na hinahangad nila, no matter how deserving they seem to be.  Para sakin, it's just right to give that person the peace that he deserves, pero unfortunately, that don't happen all the time.  Dahil dito, nagiging clingy tayo sa past issues.  Nagkakaron ng insecurity build up, nakukulong tayo sa kahapon at napapalampas natin ang mga magagandang bagay na iniooffer ng kasalukuyan at ng hinaharap.  Madami tayong namimiss at madami tayong hindi naappreciate.


Unnecessary stress.  Nakakapangit.  Kailangan mo ikondisyon ang sarili mong tanggapin ang mga bagay na walang kasagutan.  Kung mayroon sa mga ito na masagot balang araw, magpasalamat ka.  Kung hindi man ipagkaloob sayo, wag mo nang pagurin ang sarili mong isipin pa kung ano iyon.  Dahil hindi naman dapat diktahan ng mga nakalipas ang mga pwede at kaya mong gawin sa buhay.  You yourself is the captain of your own ship.  Ikaw dapat ang magdesisyon para sa sarili mo kung saan ka patungo.  Huwag ka nang dumepende sa ibang tao para makapagbigay ng katahimikan sa sarili mong pagiisip.  Siguro naman, you yourself deserve that.  Kaya mo yun ibigay sa sarili mo, kung gugustuhin mo.


Sige, nasaktan ka.  Hindi mo matanggap.  Oo sige, understandable na gusto mong tanungin ang lahat ng mga anito bakit ikaw pa.  Bakit ka nasasaktan ng ganyan.  Oo, forgivable yan.  Iyakan mo ng todo.  Magpakastress ka.  Pero lagyan mo ng limitasyon ang sarili mong stress.  Dapat hanggang sa isang punto ka lang.  Pag napagdesisyonan mo nang "Enough na! para na kong loka loka", eh move forward na kapatid.  At pag nagmove forward ka na, siguraduhin mong hindi yun temporary cockaigne ha.  Dapat for good yun.  Dapat reach for your goal na.  Kung ano man ang nasa past, tapos na yun.  Mahirap yun gawin.  Hindi yun isang walk in the park.  Pero hindi din yun imposible.  At higit sa lahat, kailangan mo yun.


Isipin mo nalang na closure is something that you owe yourself and not something that other people owes you.  It ended because hindi na siya bagay sa buhay mo.  And the moment you'll be able to accept this fact, that's the time you'll see that you are beautiful and your life is awesome :)

"Life is a process of becoming, a combination of states we have to go through.  Where people fail is that they wish to elect a state and remain in it.  This is a kind of death." - Anais Nin
Isa akong frustrated writer.  Bata palang ako, mahilig na akong magbasa at magsulat ng mga bagay bagay at malikot na ang imahinasyon ko (Creative mind, wholesome :D)

Pero bumagsak ako sa mundo ng Information Technology.  Nagsimula ako bilang isang aliping saguiguilid sa aming proyekto.  Pinagdaanan ang build phase, unit testing, sandamakmak na change requests at kung anu anong defect.  Naranasan ko na maging scrap out ang isang module at naranasan ko na malabo ang mga requirements.  Pero after all those moments, mararamdaman mo naman ang satisfaction na maganda ang iyong naging output dahil matutuwa ang client mo sa ginawa ninyo.  Buong giliw mong maipagmamalaki na "High performance, delivered!"

==============
(2 days ago ko pa sinimulan ang intro ng blog ko)
==============

07 May ... ang katuloy

...So ayun, natambakan ako ng trabaho kaya naputol ang pagsusulat ko :D as I was saying, isa padin naman akong project slave until now.  At paminsan minsan lang din magkaron ng balita na may kinalaman sa field na alam ko na big deal sa buong bansa.  Automated Elections.  Ang gandang pakinggan.  Parang maunlad na maunlad ang bansa ko.

Kamakailan ko lang nalaman kung ano talaga exactly ang isasama sa pagauautomate (Sorry, paminsan may pagkaignorante akong nilalang).  Manual padin ang pagsusulat ng boto, ang iautomate lang eh yung pagbibilang ng boto.  So okay, malinaw tayo sa objective.

5 days before the Election, i-seal na dapat nila yung mga machines *drum roll please* lo and behold... mali ang bilang.  5 days before the election, ni-recall lahat ng mga Compact Flash na gagamitin para sa election.  5 days BEFORE... amazing...

Sabi nila, nagbago daw kasi yung format nung ballot na babasahin nung machine, kaya nagkandamali mali na yung bilang.  Haller, ang masasabi ko lang diyan, ang isang simpleng software na ginagawa para sa isang client na ang company lang niya ang makikinabang eh sandamakmak na tests ang dinadaanan... eto pa kayang nakasalalay ang kapakanan ng buong bansa mo?  Kung nagbago man ang ballots na gagamitin, hindi bat nararapat lamang na informed ang parehong partido sa pagbabagong ito?  Parang susi at padlock lang yan eh.  Pag pinalitan mo ang hulma ng susi mo, hindi ba't kailangan mo din palitan ang padlock?  Kapag nagsukat ka ng damit, at tumaba ka, hindi ba't magaadjust ka ng size ng mga damit mo?

Unfortunately, ganun lang yun kasimple.  Hindi siya simpleng trabaho.  Pero ganun lang kasimple ang proseso.  At one point, before rolling out, dapat nagkaroon sila ng tests using a dummy data, na isisimulate nya na mismo ang ineexpect sa totoong election.  Lahat dapat ng exceptional scenarios, nacapture na.  Lahat ng errors, nasalo na.  So kung nangyari man ang changes after delivering the product, eh di dapat hindi na binago ang ballot?  So kung sasabihin mo sakin na "We didn’t expect this to come out, but we are responding on time", isa iyang major bull.  Kasi unang una, sa lahat ng oras, dapat inexpect mo na ang failure at dapat nung una palang, namitigate na yun.  Hindi siguro kailangan ng response on time.  Kailangan ng isang almost error-free system (kung may glitch man, as in negligible lang dapat).  But noo... it failed its sole purpose.  It counted wrongly.

Wala lang.  Hindi ko alam kung anong gustong palabasin ng mga tao sa pangyayaring ito.  Lagi nalang bang "hope for the best" ang drama?  Tapos pag nagfail, ayun, wala na.  Inutil na siya.
And based on experience, lahat ng defects na mamadaliin ayusin at ideploy, mas nasisira :P  Just saying :)


PS:  Eto pala yung article

Dramahan Eklavu

Sabi ng isang article na nabasa ko, "Friendship is the foundation of a relationship". Most of the time, I would agree with that statement. Totoo na isang magandang foundation ang friendship to any type of relationship that can be built on top of it. Pero recently, may isang fanpage sa Facebook™ na chumallenge sa paniniwala kong ito.

Napaisip tuloy ako. Okay ba talagang maging friends muna kayo ng magiging boyfriend or girlfriend mo? Kung ganun kasi ang mangyayari tapos isa sa inyo yung tipong pagkabreak eh hindi na kilala ang ex, eh di tinamaan ka na ng 2 bato kaagad. Nawalan ka na ng jowa, nawalan ka pa ng kaibigan. Mas masakit yun diba? Mas mahirap tanggapin. Mas mahirap makamove on. Yung tipong kahapon eh kakamustahin ka niya kung ok ka lang ba, kung hindi ka ba nadapa. Tapos kinabukasan, pag kinumusta mo, ang isasagot sayo eh either "Hu u?" or hindi ka niya rereplyan at all. Awts.

So bakit nga ba may mga pangit na bagay na kailangan umabot sa worse state? Tipong break na nga kayo, kailangan pa magdeadmahan kayo. Tipong nagasgasan ka na nga, kailangan pang kumuha ng blade para sugatan pa lalo tapos bubudburan ng dayap. Awts. Pwede naman na nagbreak kayo, pero friends padin kayo. Hindi ba? Mas okay ba talaga na you'll be a complete stranger to your ex? Mas less complicated ba yun? Siguro sa side nung isa, mas okay nang ganun, para walang friction. Para walang tension. Pero, there's always two sides of the story. Pano naman yung kabila? Hindi na ba pwedeng marinig ang boses niya? Wala na ba siyang say sa "relationship" ninyo, kahit bilang magkaibigan man lang? Siguro naman meron kahit onti. Pwede naman maging civil. Hindi naman porke't naguusap kayo at nagiging civil kayo sa isa't isa ay gusto niyo nang magkabalikan. For old times sake lang kung baga.

Sabi ng ibang friends ko, pag tapos na kasi, tapos na. No more looking back. Oo, tama naman yun. Pero pano yung friendship na pareho din naman kayong naginvest? Na before naman naging kayo, naging magkaibigan din naman muna kayo hindi ba? Ganun nalang yun? Package deal, check mate?

Anyway, to each its own naman yan. May mga taong nagpapahalaga sa mga bagay bagay more than others. Kanya kanyang prinisipyo lang. Walang tama, walang mali. Kung san ka lang kumportable. Reality bites. Awts.

Pilyamaldita™

Minsan nagtrip ako...



Pacham

Pacham - a colloquial term i learned during one of our training climbs that stands for PACHAMBA CHAMBA
- a term usually used to refer to a dish being cooked without exactly knowing how to.

Pacham. Eto ang tinatawag namin ngayon sa mga niluluto ko dito sa bahay. Merely because, hindi ko talaga alam kung paano sila lutuin by heart. Mabuti nalang nandiyan ang ever supportive na Mr. Google at madali maghanap ng mga recipes at ang aking mga housemates na nagugustuhan naman nila ang aking niluto for the past 2 nights (or siguro nagiging sensitive lang sila kasi baka hindi na daw ako magluto :P) nyahahahah :D

So far, meron akong 2 ulam na niluto. Sweet & Sour Tilapia kagabi at Paksiw na Pata naman ngayong gabi. Dapat Patatim yung lulutuin ko ngayon pero nung nagsesearch ako ng mga recipes, parang hindi ko maimagine kung anong magiging lasa base dun sa mga recipes na nakasaad. Don't get me wrong, medyo may alam naman ako kahit konti kung paano magluto. Sadyang hindi ko lang talaga tinatandaan kung paano sila kasi may recipe naman eh :D (Excuse ko lang yun, kasi limited nalang daw ang space sa utak ko para magstore ng memory).

Mahirap na masarap pala magluto. Mahirap, lalo na kung gusto mo ng Pinoy Cuisine tapos nasa ibang bansa ka. Mahirap maghanap ng sangkap katulad na lang ng dahon ng laurel (bay leaf), bulaklak ng saging (banana blossoms) at kung anu ano pang spices na usually pag nasa Pinas ka, mabibili mo na sila kina Aling Taling Sari Sari Store. Pero dito, hindi ko malaman kung san ako pupunta, lalo na kung sarado na ang market.

Masarap, lalo na after mo maexpose sa mainit na kusina, eh naappreciate ng mga ipinagluto mo ang inihain mong putahe. Nakakataba ng puso at nakakaenganyo na magluto ulit :D Buti nalang matibay ang tiyan ng mga taste testers ko.

Anyway, nakalimutan kong maglagay ng litrato ng mga niluto ko dito kasi late na ko nattapos magluto, kaya pagkatapos na maghain, hindi ko na naisip na piktyuran ang mga niluto ko. :D

Ayun lang. Hanggang sa susunod na entry.

What makes you, as a Filipino, happy?

I stumbled on a very simple, yet hard to answer question while reading News updates in FB. I clicked on Mojo's blog link and it got me thinking... How does being a Filipino make me happy?

Ano nga ba? Or should I say, dapat ba akong maging proud of being a Filipino?

My country, is dysfunctional for the past decades. From a foreigner's point of view, it is a ticking time bomb. There are so many things that are not in order. Sabi ng mga kaopisina ko, " Malaysia is less safer than Singapore, but cannot be worse than Philippines, right?". Nakakalungkot man isipin, at mahirap man idigest, pero there's a ring of truth into it.

Graft and Corruption, pollution, crab mentality... These are just some things that make my country ugly. And these are some of the factors that make other Filipinos despise the country they were born in. But not me.

I have said this many times and I would say this over and over again. Sa Pilipinas ko gustong tumanda at magtayo ng pamilya. Babalik at uuwi pa rin ako sa Pilipinas. Bakit?

Because my fellow Filipinos brought me up to a culture I don't see in most nations. Allow me to enumerate.

Respect for elders: No matter how successful you have become in your career, it is intrinsic in most of the Filipinos the respect they have for the elders. The continuous usage of "po" and "opo" has been instilled to us since the first time we started talking. During family reunions, and you have dozens of relatives, you will go around first and pay respect to your Lolo's, Lola's, Tito's and Tita's by "pagmamano". And this respect doesn't end within Filipinos. You will feel the respect even while interacting with other races.

Compassion: Filipinos by nature, are compassionate. I have seen people sharing what they have to others, even if they don't really have much. They provide a support system when things seem to crumble. The offer a flicker of light when everything around you turns dark. They give hope when you have nothing to hold on to. Filipinos overseas could attest to that. A fellow Filipino's smile can give you warmth on a cold winter's day.

Survivor: How many times have we been hit by calamities? How many times have we had our fair share of economic crisis? Countless. But each and everyone of us never gave up. Each and everyone of us rised up from every tribulations that have come and become better people. We perservere, we work harder, we sacrifice. Unending optimism and faith that someday, things will be better. That little by little, our meek country will shine again and show the world what Filipinos are truly made of.

Talent: The Filipinos are very talented. They are flexible and creative. They can work on any type of jobs and excel on them. The dedication and determination to deliver something in its utmost excellence is something that I find in the work that Pinoys do. Most professionals don't settle for mediocrity.

Family:
Wherever life will take a Filipino, he will never forget his family. Most Filipinos will have their own "extended" families. From their friends, to their friends' own families. They will look after each other. Their families would remain steadfast even if the rest of the world walks out on them. And, despite how long they have been separated from each other, the bond remains strong and endlessly talk and pick up where they left off...

***

Other than the rich culture and the values intrinsic to Filipinos, another thing that makes me proud is Philippines' natural beauty. The breath taking sceneries, the land and marine biodiversity, will remain unparalleled by anywhere else in the world. I have seen some parts of the Philippines in different perspectives (high up in the mountain or down below the sea) and I always fall in love with it.


***

Yes, Philippines may be dysfunctional and can be damaged beyond repair. Despite my country's imperfection, I love my country. And I stand proud to say (more than happy) that I am a Filipino. Sa isip, sa salita at sa gawa.

Nakakainis. Period.

Naikwento ng isang friend ko kaninang lunch yung isang CNN report na merong malaking possibility na mag-rupture ang Marikina fault line anytime soon, and a big question of kung ready ba ang Pilipinas sa pagkakataong ito. (Eto ang link kung nais ninyong mapanood) Natahimik ako. Hindi magkamayaw ang utak ko kung pano iprocess lahat ng nagsimulang dumaloy sa isip ko. Pucha, andun ang pamilya ko. Ang mga kaibigan ko. Ang mga mahal sa buhay ng mga taong malalapit sa akin. Dun na ko tinubuan ng kung ano man ang tutubo sakin. At sa nakita ko for the past 26 years ng buhay ko, alam ko na ang sagot sa tanong kung ready ba ang bansa ko sa maaring sumalpok na trahedya sa kanya.

HINDI. Isang malaking HINDI.

Matagal ko na tong pinagiisipan. Alam ng lahat ng tao na kasama ang Pilipinas sa so-called Ring of Fire. Para sa akin, human nature na kung alam mo na mayroong mga paparating na "threat", gagawa at gagawa ka ng paraan para maprevent ito. Kaya nga naibento ang "Prevention is better than Cure" na statement diba? At ever since naman, sa pagkakaalam ko, hindi naman naalis ang Pilipinas sa kinakalagyan niya sa mundo. Nandun na siya eversince. So bakit hanggang ngayon, ilang dekada na ang nakakalipas, ilang bagyo, ilang lindol at ilang el nino na ang dumapo sa Pilipinas, maririnig mo pa din ang bulls*t na excuse na "hindi kasi kami prepared". Anong klaseng preparation ba ang ginagawa ninyo sa walong oras kayong nakaupo sa opisina? Nagfafacebook?

Kung iddrawing ko ang Pilipinas noong panahon nila Andres Bonifacio at Dr. Jose Rizal, ihahalintulad ko ito sa isang magandang dilag. Tahimik, mabango. Katangi-tangi. Pero sa ngayon, daig pa niya si Sisa. Madumi. Magulo. Tagpi tagpi. Kung buhay siguro ang ating mga yumaong bayani, masasabi siguro nila na wasted effort ang kanilang pagaaklas. Sasabihin siguro nila na sana, nagparaya nalang sila na masakop tayo ng mga dayuhan ng tuluyan, baka sakaling mas naging maganda ang kinalabasan. Baka napapakamot na sila ng mga ulo nila ngayon.

Bakit mas maigting ang pagiging selfish ng isang tao? Hindi ba ang government by itself eh "for the people, by the people"? Bakit ang lumalabas ngayon eh, "you suffer while i prosper"? Ano ba tingin nyo sa Pilipino? Mga utu-uto? Tatanga tanga? Ganun po ba ang tingin ninyo sa nasasakupan ninyo? Mabuti pa ang ibang lahi, mataas ang tingin nila sa Pinoy. Ang tingin nila sa Pinoy, maabilidad, maasahan, mapagkakatiwalaan. Pero siguro nga dahil likas na matalino ang Pilipino, iniisihan nya ang ibang tao, yun lang, kapwa Pilipino din niya ito.

Recently, napanood namin yung plastic folder na budget allocation para sa upcoming election. Whopping Php 300+ PER PIECE ang budget nila dito. WOW diba? Kahit yung kikay na folder na matigas na uber ganda ng quality, hindi aabot sa ganito ang plastic folder eh. May swarovski ba yun? Kapag ba pinagamit mo yung folder na yun, magiging literate ka? May special powers ba yun? Eh kung yung inallocate nilang budget dun eh pinagpapagawa nila ng mga sewage system ng Pinas, eh di sana maliit na yung chances na maulit si Pareng Ondoy. Eh kugn sana inaallocate nila yung mga ganung budget sa pagpapaayos ng bulok na sistema sa public works, eh di sana taas noo natin masasabi sa ibang bansa na kaya natin kahit ano pa. Ang hirap kasi, proud lang tayong sabihin na "Pilipinas, kaya natin bumangon pagtapos ng bagyo basta magkakasama tayo" pero hindi natin kayang sabihin na "Pilipinas, kaya natin iwasan anumang bagyo dahil magkakasama tayo".

Konting abilidad lang mga tsong. Katulad ng nabanggit na, madaming magaglaing na Pinoy. Itake advantage ninyo ito. Hihintayin pa ba natin na kainin nalnag ng lupa ang bansa natin, atchaka natin sasabihin na "sana"? Ilang tao pa ba yung kailangan na magsuffer dahil lang sa kawalang konsiderasyon ng ibang tao na walang alam gawin kung hindi manlamang? Gusto ko pang makita ng mga anak ko, apo ko at apo sa tuhod ko kung gaano kaganda ang Pilipinas. Hindi isang lindol o isang bagyo lang ang sisira at babawi nito sa akin. At sa oras na mangyari iyon, lahat ng ipinagdamot ninyo sa mga tao, lulustayin nyo sa ilalim ng lupa. Goodluck sa pagshopping underground.

bata bata, sino iboboto mo?

Never pa akong nakaboto sa tanang buhay ko, local elections man or national elections. Hindi pa nabahiran ng indelible ink ang daliri ko. Hindi ko pa naranasan magworry na baka mawala o manakaw ang boto ko. Wala kasi akong tiyaga sa mga ganung bagay. Mejo engerks din... In short, hindi ko nagagampanan ang isa sa mga key responsibilities ng pagkaPilipino. At dahil dun, wala akong karapatan na magreklamo kung ano man ang nangyayari sa bansa ko (well, konti lang siguro kasi Tax Payer naman ako eh, hehe).

So last year, sabi ko, since malapit na ang election, sabi ni Jimini Cricket, magreparehistro na daw ako. At para makabawi bawi naman ako ng kaunti, sinama ko ang kapatid ko para magparehistro. So yun, wohooo, natapos ang araw na yun, registered voter na ko! (Kahit after a year or so ko pa daw makukuha ang ID ko)

Pero kung paglalaruan ka ng tadhana, napunta naman ako sa ibang bansa, ilang buwan bago magsimula ang eleksyon. Ayun, panibagong proseso nanaman. Kailangan ko naman daw magregister bilang absentee voter. Eh, hindi ko din alam paano... At wala din akong ganung disiplina para alamin kung paano :D So to make the long story short, hindi nanaman ako makakaboto. Sayang nanaman ang boto ko. Inutil nanaman akong mamamayan.

Pero ganun pa man, concerned padin ako kung ano man ang mangyayari sa botohan, although it would not make any difference siguro. Halos lahat ng kakilala ko, may kaniya kaniyang kandidato. Merong pro-religion, merong pro-masa, meron din namang pro-education, at kung anu ano pang plataporma. Well, gusto kong maging fair sa lahat, so sasabihin ko lang dito kung ano ang nasa isip ko.

Lahat naman siguro ng kumakandidato, may kani-kaniyang intensiyon. Sincere man sila or nanloloko, there's really no way for us to tell. Minsan, mahirap nang ispatan ang isang kasinungalingan, lalo na kung ang pinaguugatan nito ay patong patong nang "kwento". Siyempre, iexpect mo na na ang bawat kandidato, kanya kanyang strategy yan kung pano sila mauuna sa kanilang laban. Hindi pa ba obvious ang "crab mentality"? Hindi ba panahon palang ni Rizal eh ganun na? So siguro hindi enough na basehan ang mga hear say sa bawat tabloid at balita.

Usual din na maririnig mo na "si juan tamad nalang ang iboboto ko para hindi manalo si pedro penduko" Ow men! Pakiisip lang ng mabuti kapatid, boboto ka dahil lang gusto mong ilaglag ang iba? Eh pano pala kung yung taong gusto mong ilaglag ang mas karapatdapat na mamuno kay Inang Pilipinas? Sana kung boboto tayo ng isang Poncio Pilato, eh yung gusto mo na talaga. Yung tipong hindi mo pagsisisihan kapag siya talaga yung nanalo. Yung hindi mo ipagrarally sa EDSA para iimpeach sa pwesto pagkatapos mong iboto at iluklok sa pwesto. Wag ganun, ampeyr yun. Ampeyr yun sa bayan, ampeyr din yun dun sa kandidato.

Napansin ko, kapag nangangandidato ang mga pulitiko, simpatiya ng tao ang kinukuha nila. Parang si kupido, namamana sa puso, bullseye sa emotion ng mga Pilipino. Eh tayong mga pilipino eh likas na simpatiko. I'd give it to them, magaling ang diskarte nila. Sana yung pagkagaling nila, sa tamang paraan nila gagamitin in case na sila ang manalo. Sana yung creativity nila, hindi maging daan para maging tuso sila at maging gahaman sa kapangyarihan at kaperahan (poor na po ang Pilipinas, FYI lang ha...)

Maririnig mo din sa mga tao na dapat maging maigting pa nag pageeducate ng mga tao tungkol sa botohan. Well, ang masasabi ko lang diyan ay it works both ways. Bawat tao naman ay may kani kaniyang priority sa kanilang buhay. Kung gano man ito kababaw o kawalang kwenta sa paningin ng iba, eh priority nila yun, so kailangan respetuhin din natin. Hindi lahat ng edukado, marunong at tama ang binoboto. At hindi din naman lahat ng walang pinagaralan ay mangmang at walang pakialam sa mundo. Sa panahon natin ngayon, hindi estado ang isang tao ang makakapagdikta kung kaya mong magisip. Hindi mo kailangan maging educated para maging matalino. Minsan nga, kung sino pa yung may pinagaralan, siya pa yung walang breeding. Walang modo. Bobo.

Anyway, masyado na akong nagiging madaldal, eh hindi din naman ako makakaboto. Inutil pa din ako sa puntong ito (sorry na:P). Hiling ko lang na sa darating na eleksiyon ay maging mapayapa at malinis na eleksiyon.

*bow*

.chisi.keso.inlababo.


♥♥♥♥♥♥♥♥♥

♥♥♥♥♥♥♥♥♥


♥♥♥♥♥♥♥♥♥



♥♥♥♥♥♥♥♥♥


♥♥♥♥♥♥♥♥♥

DISCLAIMER:
some stuff i got from tumblr. :) kudos to these bloggers :) ganda ng images :)

Takbo! Bilis! Takbo!

Kakatapos lang ng Run For Water 2010 and despite the scorching heat, natapos ko naman ito ng walang migraine aftermath :D

For the past two runs (and one diving trip), lagi akong minimigraine after the activity kapag sobrang init... and it's not a pretty site... so after the scorcing heat I went through yesterday (my all red face could attest to that!), napaisip tuloy ako bakit ako sumasali sa mga running events na to? In the first place, ang mahal niya ha... Pangalawa, nakakapagod, feeling ko minsan, sasabog na yung baga ko kasi hindi niya na kaya magintake ng sobrang hangin at stressed na stressed na siya. At pangatlo, naiinitan lang ako. Nakakaitim. Nakakahilo.

So bakit nga ba ako nageffort na magjogging sa gabi at gumastos at tumakbo ng takbo?

Simple lang...

Kasi para sakin, isa ito sa mga paraan para makatulong ako sa iba. Oo, madami pang paraan. Pero sa ngayon, eto yung naiisip ko na nakakatulong ako kahit papaano, sa paraang alam ko.

Kasi para sakin, nadidisiplina ko ang sarili ko. Nadidisiplina ko ang sarili ko na abutin kung ano man ang goals ko, at magstrive para maabot ko.

Kasi para sakin, bonding moment ko 'to with the people I love. Nakikilala ko ang mga kaibigan ko, ang boyfriend ko, ang mga tao sa paligid ko.

Kasi para sakin, eto nalang ang form ng exercise na pwede kong gawin after sitting for 'n' hours dahil sa trabaho ko.

Diba simple lang?

Madaming nagsasabi na kaya tumatakbo is dahil "uso". dahil ito ang "in". Well, opinion naman nila yun. Para sakin, gusto ko lang yung ginagawa ko, kahit nahihirapan ako. :)

The Only Exception...


The Only Exception lyrics