RSS

Dramahan Eklavu

Sabi ng isang article na nabasa ko, "Friendship is the foundation of a relationship". Most of the time, I would agree with that statement. Totoo na isang magandang foundation ang friendship to any type of relationship that can be built on top of it. Pero recently, may isang fanpage sa Facebook™ na chumallenge sa paniniwala kong ito.

Napaisip tuloy ako. Okay ba talagang maging friends muna kayo ng magiging boyfriend or girlfriend mo? Kung ganun kasi ang mangyayari tapos isa sa inyo yung tipong pagkabreak eh hindi na kilala ang ex, eh di tinamaan ka na ng 2 bato kaagad. Nawalan ka na ng jowa, nawalan ka pa ng kaibigan. Mas masakit yun diba? Mas mahirap tanggapin. Mas mahirap makamove on. Yung tipong kahapon eh kakamustahin ka niya kung ok ka lang ba, kung hindi ka ba nadapa. Tapos kinabukasan, pag kinumusta mo, ang isasagot sayo eh either "Hu u?" or hindi ka niya rereplyan at all. Awts.

So bakit nga ba may mga pangit na bagay na kailangan umabot sa worse state? Tipong break na nga kayo, kailangan pa magdeadmahan kayo. Tipong nagasgasan ka na nga, kailangan pang kumuha ng blade para sugatan pa lalo tapos bubudburan ng dayap. Awts. Pwede naman na nagbreak kayo, pero friends padin kayo. Hindi ba? Mas okay ba talaga na you'll be a complete stranger to your ex? Mas less complicated ba yun? Siguro sa side nung isa, mas okay nang ganun, para walang friction. Para walang tension. Pero, there's always two sides of the story. Pano naman yung kabila? Hindi na ba pwedeng marinig ang boses niya? Wala na ba siyang say sa "relationship" ninyo, kahit bilang magkaibigan man lang? Siguro naman meron kahit onti. Pwede naman maging civil. Hindi naman porke't naguusap kayo at nagiging civil kayo sa isa't isa ay gusto niyo nang magkabalikan. For old times sake lang kung baga.

Sabi ng ibang friends ko, pag tapos na kasi, tapos na. No more looking back. Oo, tama naman yun. Pero pano yung friendship na pareho din naman kayong naginvest? Na before naman naging kayo, naging magkaibigan din naman muna kayo hindi ba? Ganun nalang yun? Package deal, check mate?

Anyway, to each its own naman yan. May mga taong nagpapahalaga sa mga bagay bagay more than others. Kanya kanyang prinisipyo lang. Walang tama, walang mali. Kung san ka lang kumportable. Reality bites. Awts.

3 comments:

bulakbolero.sg said...

di naman palagi na sa bawat pamamaan at pagpuputol ng relasyon bilang magbf/gf eh kelangan mawalan na din ng komunikasyon ang 2. possible pa din naman na magtuloy2 ang pagkakaibigan nila.

pilyamaldita said...

@kambal: tama ka. pero reality bites. may mga tao din na mas pipiliin nilang maputol ang lahat ng namamagitan sa kanila, maganda man ito o masama. kung ano man ang rason, hindi din natin masasabi.

tetaron said...

ang lalim nito.... :) pwede nmn mgng frnds...