Never pa akong nakaboto sa tanang buhay ko, local elections man or national elections. Hindi pa nabahiran ng indelible ink ang daliri ko. Hindi ko pa naranasan magworry na baka mawala o manakaw ang boto ko. Wala kasi akong tiyaga sa mga ganung bagay. Mejo engerks din... In short, hindi ko nagagampanan ang isa sa mga key responsibilities ng pagkaPilipino. At dahil dun, wala akong karapatan na magreklamo kung ano man ang nangyayari sa bansa ko (well, konti lang siguro kasi Tax Payer naman ako eh, hehe).
So last year, sabi ko, since malapit na ang election, sabi ni Jimini Cricket, magreparehistro na daw ako. At para makabawi bawi naman ako ng kaunti, sinama ko ang kapatid ko para magparehistro. So yun, wohooo, natapos ang araw na yun, registered voter na ko! (Kahit after a year or so ko pa daw makukuha ang ID ko)
Pero kung paglalaruan ka ng tadhana, napunta naman ako sa ibang bansa, ilang buwan bago magsimula ang eleksyon. Ayun, panibagong proseso nanaman. Kailangan ko naman daw magregister bilang absentee voter. Eh, hindi ko din alam paano... At wala din akong ganung disiplina para alamin kung paano :D So to make the long story short, hindi nanaman ako makakaboto. Sayang nanaman ang boto ko. Inutil nanaman akong mamamayan.
Pero ganun pa man, concerned padin ako kung ano man ang mangyayari sa botohan, although it would not make any difference siguro. Halos lahat ng kakilala ko, may kaniya kaniyang kandidato. Merong pro-religion, merong pro-masa, meron din namang pro-education, at kung anu ano pang plataporma. Well, gusto kong maging fair sa lahat, so sasabihin ko lang dito kung ano ang nasa isip ko.
Lahat naman siguro ng kumakandidato, may kani-kaniyang intensiyon. Sincere man sila or nanloloko, there's really no way for us to tell. Minsan, mahirap nang ispatan ang isang kasinungalingan, lalo na kung ang pinaguugatan nito ay patong patong nang "kwento". Siyempre, iexpect mo na na ang bawat kandidato, kanya kanyang strategy yan kung pano sila mauuna sa kanilang laban. Hindi pa ba obvious ang "crab mentality"? Hindi ba panahon palang ni Rizal eh ganun na? So siguro hindi enough na basehan ang mga hear say sa bawat tabloid at balita.
Usual din na maririnig mo na "si juan tamad nalang ang iboboto ko para hindi manalo si pedro penduko" Ow men! Pakiisip lang ng mabuti kapatid, boboto ka dahil lang gusto mong ilaglag ang iba? Eh pano pala kung yung taong gusto mong ilaglag ang mas karapatdapat na mamuno kay Inang Pilipinas? Sana kung boboto tayo ng isang Poncio Pilato, eh yung gusto mo na talaga. Yung tipong hindi mo pagsisisihan kapag siya talaga yung nanalo. Yung hindi mo ipagrarally sa EDSA para iimpeach sa pwesto pagkatapos mong iboto at iluklok sa pwesto. Wag ganun, ampeyr yun. Ampeyr yun sa bayan, ampeyr din yun dun sa kandidato.
Napansin ko, kapag nangangandidato ang mga pulitiko, simpatiya ng tao ang kinukuha nila. Parang si kupido, namamana sa puso, bullseye sa emotion ng mga Pilipino. Eh tayong mga pilipino eh likas na simpatiko. I'd give it to them, magaling ang diskarte nila. Sana yung pagkagaling nila, sa tamang paraan nila gagamitin in case na sila ang manalo. Sana yung creativity nila, hindi maging daan para maging tuso sila at maging gahaman sa kapangyarihan at kaperahan (poor na po ang Pilipinas, FYI lang ha...)
Maririnig mo din sa mga tao na dapat maging maigting pa nag pageeducate ng mga tao tungkol sa botohan. Well, ang masasabi ko lang diyan ay it works both ways. Bawat tao naman ay may kani kaniyang priority sa kanilang buhay. Kung gano man ito kababaw o kawalang kwenta sa paningin ng iba, eh priority nila yun, so kailangan respetuhin din natin. Hindi lahat ng edukado, marunong at tama ang binoboto. At hindi din naman lahat ng walang pinagaralan ay mangmang at walang pakialam sa mundo. Sa panahon natin ngayon, hindi estado ang isang tao ang makakapagdikta kung kaya mong magisip. Hindi mo kailangan maging educated para maging matalino. Minsan nga, kung sino pa yung may pinagaralan, siya pa yung walang breeding. Walang modo. Bobo.
Anyway, masyado na akong nagiging madaldal, eh hindi din naman ako makakaboto. Inutil pa din ako sa puntong ito (sorry na:P). Hiling ko lang na sa darating na eleksiyon ay maging mapayapa at malinis na eleksiyon.
*bow*
Sharing is caring
9 years ago
2 comments:
apir kambal! gusto ko lahat ng iyong nilathala dito.. :) nakanaman.. kagaleng!
salamat kambal! :D hindi ko pa nagagawa ang aking obra tungkol sa iyo :D hahaha! pinagiisipan ko ng mabuting mabuti :D
kampay mamaya! :D
Post a Comment