RSS

Takbo! Bilis! Takbo!

Kakatapos lang ng Run For Water 2010 and despite the scorching heat, natapos ko naman ito ng walang migraine aftermath :D

For the past two runs (and one diving trip), lagi akong minimigraine after the activity kapag sobrang init... and it's not a pretty site... so after the scorcing heat I went through yesterday (my all red face could attest to that!), napaisip tuloy ako bakit ako sumasali sa mga running events na to? In the first place, ang mahal niya ha... Pangalawa, nakakapagod, feeling ko minsan, sasabog na yung baga ko kasi hindi niya na kaya magintake ng sobrang hangin at stressed na stressed na siya. At pangatlo, naiinitan lang ako. Nakakaitim. Nakakahilo.

So bakit nga ba ako nageffort na magjogging sa gabi at gumastos at tumakbo ng takbo?

Simple lang...

Kasi para sakin, isa ito sa mga paraan para makatulong ako sa iba. Oo, madami pang paraan. Pero sa ngayon, eto yung naiisip ko na nakakatulong ako kahit papaano, sa paraang alam ko.

Kasi para sakin, nadidisiplina ko ang sarili ko. Nadidisiplina ko ang sarili ko na abutin kung ano man ang goals ko, at magstrive para maabot ko.

Kasi para sakin, bonding moment ko 'to with the people I love. Nakikilala ko ang mga kaibigan ko, ang boyfriend ko, ang mga tao sa paligid ko.

Kasi para sakin, eto nalang ang form ng exercise na pwede kong gawin after sitting for 'n' hours dahil sa trabaho ko.

Diba simple lang?

Madaming nagsasabi na kaya tumatakbo is dahil "uso". dahil ito ang "in". Well, opinion naman nila yun. Para sakin, gusto ko lang yung ginagawa ko, kahit nahihirapan ako. :)

2 comments:

bulakbolero.sg said...

woi...kambal! oo nga, may tama ka dun! nakakapagod na tumakbo mahal pa.. anyenye.. wala lang, dakilang adik lang tayo! kampay!

pilyamaldita said...

oo nga, ibang klase lang tayo magtrip :D nyhahaha! parang pag-akyat lang yan eh :P nakakapagod, pero sige lang ng sige, sama lang ng sama. :))