Pacham - a colloquial term i learned during one of our training climbs that stands for PACHAMBA CHAMBA
- a term usually used to refer to a dish being cooked without exactly knowing how to.
Pacham. Eto ang tinatawag namin ngayon sa mga niluluto ko dito sa bahay. Merely because, hindi ko talaga alam kung paano sila lutuin by heart. Mabuti nalang nandiyan ang ever supportive na Mr. Google at madali maghanap ng mga recipes at ang aking mga housemates na nagugustuhan naman nila ang aking niluto for the past 2 nights (or siguro nagiging sensitive lang sila kasi baka hindi na daw ako magluto :P) nyahahahah :D
So far, meron akong 2 ulam na niluto. Sweet & Sour Tilapia kagabi at Paksiw na Pata naman ngayong gabi. Dapat Patatim yung lulutuin ko ngayon pero nung nagsesearch ako ng mga recipes, parang hindi ko maimagine kung anong magiging lasa base dun sa mga recipes na nakasaad. Don't get me wrong, medyo may alam naman ako kahit konti kung paano magluto. Sadyang hindi ko lang talaga tinatandaan kung paano sila kasi may recipe naman eh :D (Excuse ko lang yun, kasi limited nalang daw ang space sa utak ko para magstore ng memory).
Mahirap na masarap pala magluto. Mahirap, lalo na kung gusto mo ng Pinoy Cuisine tapos nasa ibang bansa ka. Mahirap maghanap ng sangkap katulad na lang ng dahon ng laurel (bay leaf), bulaklak ng saging (banana blossoms) at kung anu ano pang spices na usually pag nasa Pinas ka, mabibili mo na sila kina Aling Taling Sari Sari Store. Pero dito, hindi ko malaman kung san ako pupunta, lalo na kung sarado na ang market.
Masarap, lalo na after mo maexpose sa mainit na kusina, eh naappreciate ng mga ipinagluto mo ang inihain mong putahe. Nakakataba ng puso at nakakaenganyo na magluto ulit :D Buti nalang matibay ang tiyan ng mga taste testers ko.
Anyway, nakalimutan kong maglagay ng litrato ng mga niluto ko dito kasi late na ko nattapos magluto, kaya pagkatapos na maghain, hindi ko na naisip na piktyuran ang mga niluto ko. :D
Ayun lang. Hanggang sa susunod na entry.
Sharing is caring
9 years ago
3 comments:
kambal,
1. sinu si aling taling?
2. makakatikim din ba ko ng niluto mo?
3. bakit hindi mo nalang kinuhanan ng litrato yung mga intestines nila para nakita yung mga nadigest na food? (lol.. wala lang)
kambal
- si aling taling ang kapitbahay namin na may sari sari store sa may kanto
- oo makakatikim ka, lalo na kung dadayo ka sa bahay namin :P
- pwede ko din gawin ang suhestiyon mo, penge muna ko ng pang xray? :)
makaluto nga din ng pacham... :)
Post a Comment