Naikwento ng isang friend ko kaninang lunch yung isang CNN report na merong malaking possibility na mag-rupture ang Marikina fault line anytime soon, and a big question of kung ready ba ang Pilipinas sa pagkakataong ito. (Eto ang link kung nais ninyong mapanood) Natahimik ako. Hindi magkamayaw ang utak ko kung pano iprocess lahat ng nagsimulang dumaloy sa isip ko. Pucha, andun ang pamilya ko. Ang mga kaibigan ko. Ang mga mahal sa buhay ng mga taong malalapit sa akin. Dun na ko tinubuan ng kung ano man ang tutubo sakin. At sa nakita ko for the past 26 years ng buhay ko, alam ko na ang sagot sa tanong kung ready ba ang bansa ko sa maaring sumalpok na trahedya sa kanya.
HINDI. Isang malaking HINDI.
Matagal ko na tong pinagiisipan. Alam ng lahat ng tao na kasama ang Pilipinas sa so-called Ring of Fire. Para sa akin, human nature na kung alam mo na mayroong mga paparating na "threat", gagawa at gagawa ka ng paraan para maprevent ito. Kaya nga naibento ang "Prevention is better than Cure" na statement diba? At ever since naman, sa pagkakaalam ko, hindi naman naalis ang Pilipinas sa kinakalagyan niya sa mundo. Nandun na siya eversince. So bakit hanggang ngayon, ilang dekada na ang nakakalipas, ilang bagyo, ilang lindol at ilang el nino na ang dumapo sa Pilipinas, maririnig mo pa din ang bulls*t na excuse na "hindi kasi kami prepared". Anong klaseng preparation ba ang ginagawa ninyo sa walong oras kayong nakaupo sa opisina? Nagfafacebook?
Kung iddrawing ko ang Pilipinas noong panahon nila Andres Bonifacio at Dr. Jose Rizal, ihahalintulad ko ito sa isang magandang dilag. Tahimik, mabango. Katangi-tangi. Pero sa ngayon, daig pa niya si Sisa. Madumi. Magulo. Tagpi tagpi. Kung buhay siguro ang ating mga yumaong bayani, masasabi siguro nila na wasted effort ang kanilang pagaaklas. Sasabihin siguro nila na sana, nagparaya nalang sila na masakop tayo ng mga dayuhan ng tuluyan, baka sakaling mas naging maganda ang kinalabasan. Baka napapakamot na sila ng mga ulo nila ngayon.
Bakit mas maigting ang pagiging selfish ng isang tao? Hindi ba ang government by itself eh "for the people, by the people"? Bakit ang lumalabas ngayon eh, "you suffer while i prosper"? Ano ba tingin nyo sa Pilipino? Mga utu-uto? Tatanga tanga? Ganun po ba ang tingin ninyo sa nasasakupan ninyo? Mabuti pa ang ibang lahi, mataas ang tingin nila sa Pinoy. Ang tingin nila sa Pinoy, maabilidad, maasahan, mapagkakatiwalaan. Pero siguro nga dahil likas na matalino ang Pilipino, iniisihan nya ang ibang tao, yun lang, kapwa Pilipino din niya ito.
Recently, napanood namin yung plastic folder na budget allocation para sa upcoming election. Whopping Php 300+ PER PIECE ang budget nila dito. WOW diba? Kahit yung kikay na folder na matigas na uber ganda ng quality, hindi aabot sa ganito ang plastic folder eh. May swarovski ba yun? Kapag ba pinagamit mo yung folder na yun, magiging literate ka? May special powers ba yun? Eh kung yung inallocate nilang budget dun eh pinagpapagawa nila ng mga sewage system ng Pinas, eh di sana maliit na yung chances na maulit si Pareng Ondoy. Eh kugn sana inaallocate nila yung mga ganung budget sa pagpapaayos ng bulok na sistema sa public works, eh di sana taas noo natin masasabi sa ibang bansa na kaya natin kahit ano pa. Ang hirap kasi, proud lang tayong sabihin na "Pilipinas, kaya natin bumangon pagtapos ng bagyo basta magkakasama tayo" pero hindi natin kayang sabihin na "Pilipinas, kaya natin iwasan anumang bagyo dahil magkakasama tayo".
Konting abilidad lang mga tsong. Katulad ng nabanggit na, madaming magaglaing na Pinoy. Itake advantage ninyo ito. Hihintayin pa ba natin na kainin nalnag ng lupa ang bansa natin, atchaka natin sasabihin na "sana"? Ilang tao pa ba yung kailangan na magsuffer dahil lang sa kawalang konsiderasyon ng ibang tao na walang alam gawin kung hindi manlamang? Gusto ko pang makita ng mga anak ko, apo ko at apo sa tuhod ko kung gaano kaganda ang Pilipinas. Hindi isang lindol o isang bagyo lang ang sisira at babawi nito sa akin. At sa oras na mangyari iyon, lahat ng ipinagdamot ninyo sa mga tao, lulustayin nyo sa ilalim ng lupa. Goodluck sa pagshopping underground.
Sharing is caring
9 years ago
6 comments:
ei, di ko makita yung link... asan na?
click mo ung "link" :P
nyahaha.. sorry, nacliclick pala yun. :P
kaso, di naman din nagana nung clinick ko.. wahaha...
di ko makita yung link @_@
sorry! iniba ko na po yung color ng link para mas madali makita :D hehehe :) pasensiya :)
Post a Comment