Mahal kong Bakasyon,
Kamusta ka na? Kamusta ang pamamalagi mo kapiling ng ilang kaibigan at kapamilya? For sure, tuwang tuwa sila nung makapiling ka nila. At ngayong malapit ka na ulit lumisan, ang mga alaala na iyong iniwan sa kanila ay isa nanamang testamento na hindi nasayang ang pera at oras na inilaan nila para sa iyo. Ibang klase ka kasi bumisita, umulan man o bumagyo, hindi ito magiging hadlang para dumating ka! Ika nga, kung gusto, parating may paraan. Kung ayaw, dumadahilan (minsan, nagmama OA lang).
Kaya naman ako lumiham sa iyo ay dahil hindi ko na maitago ang excitement ko para makapiling ka ulit. Aba! Ilang buwan na din ang nakakalipas nung huli kitang nakapiling. At hindi ako makapaniwala na ilang linggo nalang, darating ka na ulit. :) Marami nanaman tayong pagsasamahan na hindi kailanman kayang higitan kapag si Trabaho ang kasama ko. KJ si Trabaho eh. Control freak paminsan. Gusto niya, lahat ng oras, ilalaan sa kanya. Buti nalang ay napakiusapan ko siya na panahon na para maglaan ako ng oras para sa iyo. Hindi ko lang talaga maaring iwanan si Trabaho, kasi isa din siyang mahalagang parte ng buhay ko. Dapat balanse lang. Pero buti pa ikaw, naiintinidihan mo yun. Hindi ka kasing demanding ni Trabaho.
Anyway, ilang araw nalang naman, magkakasama na naman tayo ulit kasama ang ating mga kaibigan :) Sana mas madalas kang mapadaan no? Mas masaya siguro kung parati kang andiyan. Kasi pag andiyan ka, nakakasalamuha ko ang mga kaibigan natin, ang mga kapamilya natin. Chillax parati.
Hanggang dito nalang muna ang aking munting liham. Gusto ko lang malaman mo na lagi kitang iniisip. Walang araw na hindi ko inasam ang iyong pagbabalik. Nawa'y sa muli nating pagkikita, nakangiti din ang araw at kumikislap ang mga bituin.
Nagmamahal,
pilyamaldita
Sharing is caring
9 years ago