Isa akong frustrated writer. Bata palang ako, mahilig na akong magbasa at magsulat ng mga bagay bagay at malikot na ang imahinasyon ko (Creative mind, wholesome :D)
Pero bumagsak ako sa mundo ng Information Technology. Nagsimula ako bilang isang aliping saguiguilid sa aming proyekto. Pinagdaanan ang build phase, unit testing, sandamakmak na change requests at kung anu anong defect. Naranasan ko na maging scrap out ang isang module at naranasan ko na malabo ang mga requirements. Pero after all those moments, mararamdaman mo naman ang satisfaction na maganda ang iyong naging output dahil matutuwa ang client mo sa ginawa ninyo. Buong giliw mong maipagmamalaki na "High performance, delivered!"
==============
(2 days ago ko pa sinimulan ang intro ng blog ko)
==============
07 May ... ang katuloy
...So ayun, natambakan ako ng trabaho kaya naputol ang pagsusulat ko :D as I was saying, isa padin naman akong project slave until now. At paminsan minsan lang din magkaron ng balita na may kinalaman sa field na alam ko na big deal sa buong bansa. Automated Elections. Ang gandang pakinggan. Parang maunlad na maunlad ang bansa ko.
Kamakailan ko lang nalaman kung ano talaga exactly ang isasama sa pagauautomate (Sorry, paminsan may pagkaignorante akong nilalang). Manual padin ang pagsusulat ng boto, ang iautomate lang eh yung pagbibilang ng boto. So okay, malinaw tayo sa objective.
5 days before the Election, i-seal na dapat nila yung mga machines *drum roll please* lo and behold... mali ang bilang. 5 days before the election, ni-recall lahat ng mga Compact Flash na gagamitin para sa election. 5 days BEFORE... amazing...
Sabi nila, nagbago daw kasi yung format nung ballot na babasahin nung machine, kaya nagkandamali mali na yung bilang. Haller, ang masasabi ko lang diyan, ang isang simpleng software na ginagawa para sa isang client na ang company lang niya ang makikinabang eh sandamakmak na tests ang dinadaanan... eto pa kayang nakasalalay ang kapakanan ng buong bansa mo? Kung nagbago man ang ballots na gagamitin, hindi bat nararapat lamang na informed ang parehong partido sa pagbabagong ito? Parang susi at padlock lang yan eh. Pag pinalitan mo ang hulma ng susi mo, hindi ba't kailangan mo din palitan ang padlock? Kapag nagsukat ka ng damit, at tumaba ka, hindi ba't magaadjust ka ng size ng mga damit mo?
Unfortunately, ganun lang yun kasimple. Hindi siya simpleng trabaho. Pero ganun lang kasimple ang proseso. At one point, before rolling out, dapat nagkaroon sila ng tests using a dummy data, na isisimulate nya na mismo ang ineexpect sa totoong election. Lahat dapat ng exceptional scenarios, nacapture na. Lahat ng errors, nasalo na. So kung nangyari man ang changes after delivering the product, eh di dapat hindi na binago ang ballot? So kung sasabihin mo sakin na "We didn’t expect this to come out, but we are responding on time", isa iyang major bull. Kasi unang una, sa lahat ng oras, dapat inexpect mo na ang failure at dapat nung una palang, namitigate na yun. Hindi siguro kailangan ng response on time. Kailangan ng isang almost error-free system (kung may glitch man, as in negligible lang dapat). But noo... it failed its sole purpose. It counted wrongly.
Wala lang. Hindi ko alam kung anong gustong palabasin ng mga tao sa pangyayaring ito. Lagi nalang bang "hope for the best" ang drama? Tapos pag nagfail, ayun, wala na. Inutil na siya.
And based on experience, lahat ng defects na mamadaliin ayusin at ideploy, mas nasisira :P Just saying :)
PS: Eto pala yung article